Matang natatakot
Luhang nakabalot
Puso’y napapagod
Isip ay umiikot
Sa imaheng nais kong matunton
Meron pa kayang hangganan
Ngiting mapanlinlang
Dahil ayaw kong tumingin sa salamin
At mapagtantong mahirap ngang tanggapin
Ang ‘sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit
Maging sapat gawin man ang lahat
Kailan kita masisilayan
At kakayanang pagmasdan
Laging gumuguhit
Sa brasong namamanhid
Tuluyang inuukit sa isip
Na mas kakayaning manatili sa dilim
Dahil ayaw kong tumingin sa salamin
At mapagtantong mahirap ngang tanggapin
Ang ‘sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit
Maging sapat gawin man ang lahat
Kailan kita masisilayan
At kakayanang pagmasdan
Puro sugat at hiwa’ng aking paningin
Dulot ng bawat maling nakikita sa ‘kin
Sinubukan ko mang iwasan ang salamin
Aking damdamin ay puro bubog pa rin
Dahil ayaw kong tumingin sa salamin
At mapagtantong mahirap ngang tanggapin
Ang ‘sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit
Maging sapat gawin man ang lahat
Kailan kita masisilayan
At kakayanang pagmasdan
Dahil ayaw kong tumingin
Ayaw ko
Pagod na ‘kong tumingin
At makita ang hindi ko kayang mahalin

Other lyrics by Cup Of Joe:
Bagyo
Nakakalimutang Pati bahay gumuguho Inaalalayan Mga kaputol na nahuhulog Lahat sila’y nagpapatuloy Ako’y ‘di makaalis Kinabukasan walang katuloy Kung …
Bubog
Matang natatakot Luhang nakabalot Puso’y napapagod Isip ay umiikot Sa imaheng nais kong matunton Meron pa kayang hangganan Ngiting mapanlinlang Dahil ayaw kong …
Di Maaari
Binabalikan ang lahat ng mga alaalang ‘di mabura Tila ‘di maintindihan kung ba’t mauuwi na lang sa wala Bakit kailangan ay biglaan ang pagsuko sa …
Hinga
Nakikita ang sarili sa dulo ng kawalan Nahihila pabalik sa pait ng nakaraan ‘Di pa bumabangon at ayoko pang pagmasdan Ang sariling mukhang irita sa kanyang akda …
Kanelang Mata
Pinapanood Kung paano ko sinunog ang mundong Ating binuo ‘Di ka na makahinga sa usok Bingi sa panalanging Ang mga luha’y maibabalik Mabuti nang aking mga …